Khei's POV Minulat ko ang aking mata at kaagad na tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Jonathan. Medyo masakit pa rin ang ulo ko kaya napahawak ako rito. "Okay ka lang? Huwag ka munang bumangon," sabi nito na may bahid nang pag-aalala. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya nang marealize ko na nasa hospital ako ngayon at nakahiga ako sa hospital bed. "Nahimatay ka sa trabaho mo," sagot nito sa akin. Tumango na lang ako. Kanina na nasa trabaho ako tapos may nakita ako na bracelet. Tapos hindi ko na alam ang nangyari. Hinanap ko agad 'yong nakita ko kanina. Feeling ko may connection 'yon kung bakit ako nandito ngayon. "Easy, huwag ka munang gagalaw," ani nito sa akin. "May nakita ka ba na hawak ko?" Tanong ko muli sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya at tila nagtataka sa akin