Sa tulong ni Yesha ay nakapag-adjust na siya sa buhay Maynila at sa university na pinapasukan nila. Nasasanay na rin siyang pinagtitinginan siya ng mga babaeng nasasalubong. Minsan nga habang nasa library sila ni Yesha at gumagawa ng assignment sa Calculus ay naitanong niya sa sarili kung may mali ba sa kanya 'cause they keep on staring at him! "Ang manhid mo lang talaga, kasi!"pabulong na sabi ni Yesha. Magkaharap sila sa mesa. "H-ha? Bakit?"naguguluhan niyang tanong sa dalaga. "Hello? Ano ka ba? Wala bang salamin sa inyo?"papilosopang tanong pa ng dalaga sa kanya. "Meron naman."inosente niyang sagot. "Hay, naku Ash. Matalino ka naman pero bakit ang slow mo."nayayamot na wika ni Yesha at ibinaling ang atensyon sa libro. "Hoy, sige na, sabihin mo na, ano ba 'yun?"bulong na tanong ni