"Hana! Trixie!"tumatakbong sigaw ni Lyka sa corridor. Nasa labas sila ng room nila ngayon. Hingal na hingal si Lyka nang makalapit na sa kanila. "Napa'no ka?"tanong ni Hana. "Si...si..."utal-utal nitong sabi dahil hinihingal pa rin. Ang layo kasi ng tinakbo niya. "Ilang multo ba ang humahabol sayo at nagkakaganyan ka?"natatawang tanong ni Trixie sa itsura ni Lyka. "Si...si Ash kasi."maiiyak na nitong sabi. "A-ano?"sabay na tanong ng dalawa. Na-curious naman si Aya sa pinagsasabi nito. "I-I...think he's dead."sambit ni Lyka na nagpakaba ng husto sa dibdib ni Aya. Nabitiwan niya ang papel na binabasa kanina. "Ha? Ano? Paano ba nangyari yun?"sunud-sunod na tanong ni Trixie. "Sa labas ng gate, nasagasaan siya ng sasakyan."sabi ni Lyka. "S-si Ash..."sambit ni Aya. Nanginig ang kanya