“Ang weird ng ate mo Han.” Andy leaned towards Hana just to whisper that. “Bigla siyang tumakbo at may hinahabol na babaeng manghuhula daw.” Kasalukuyan silang nasa classroom. May mga tinatanong na si Mrs Gomez tungkol sa phases of the moon na sinabi nung nakaraan ni Hana. Pero hindi nila ito masyadong iniintindi ngayon. “Ewan ko kay Ate. Bakit mo sakin sinasabi yan? Pwede mo namang tanungin ang ate ko?” Ibinalik na nito ang tingin sa unahan. “Eh di ko nga kayang tanungin. Nag aalala lang ako kasi kahapon. Umalis siya at tila wala sa sarili.” Kumunot ang noo ni Hana. “Si ate wala sa sarili niya?” Tumango tango siya. Nag isip ito saglit. “Baka naman may nangyari lang. Hayaan na muna natin si Ate.” “So can anyone read me the traditional Hiligaynon Children’s so