CHAPTER 18 (Iya’s POV)

1030 Words

“Balang araw gusto kong magkaroon tayo ng maraming anak. Kagaya ng mga kapatid ko sa langit.” Niyakap siya ni Tala mula sa likuran.   Bumaba sila sa lupa para pag masdan ang mga bituin na nag kikislapan sa kalangitan. Nakaupo sila sa damuhan at may mga pagkaing nakalatag sa buslo para sa kanilang hapunan.   “Hindi mo naman nais Tala na mag iba ang aking katawan sa panganganak ng ganun karami. Hindi ba?” Nanunuksong tanong niya dito.   Umiling ito ngunit nakangiti pa rin. “Hindi naman mahal ko.”   “Kung sa gayon. Isa o dalawa lamang ay sapat na.”   Kumunot ang noo nito. May mapaglaro pa ring ngiti sa mga labi. “Tatlo o apat ba ay kakayanin?”   “Wag mo nga akong lokohin ng ganyan Tala.” Dumukwang siya para halikan ito. “Mahal na mahal pa naman kita at maaring mapagbigyan ko an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD