“Galing mo dun bestfriend!” Hana hugged her tight.
Ngumiti siya dito. “Thank you.”
Pinunasan niya ang mga pawis na nasa leeg niya gamit ang panyo niya. Saka siya nag tungo sa direksiyon ni Iya na papunta din sa kanila. Pinunasan niya din ang mga kamay niya para makipag kamay dito. Inilahad niya iyon sa deriksiyon nito.
Tiningnan lang nito ang kamay niya. Saka siya tinalikuran. “Mag s shower muna ako Cap.”
Ngumiwi si Captain Julienne. “First time matalo ni Iya sa badminton. Wala pang nakaka beat sa kanya sa field simula mula sa mga first year. Kaya siguro naiinis.” Tumawa na ito. “Congrats bata. At kagaya ng napagkasunduan. You are part of the team.”
Tuwang tuwa naman na lalong humigpit ang yakap ng bestfriend niya sa kanya. Patalon talon pa ito. Andy looked at Iya’s direction. Ganun ba talaga ito naiinis na natalo niya ito? But Iya wasn’t like that before. Kahit sa mga naging kalaban nito noon ay kinakamayan nito kahit ito pa ang natalo.
Ginulo ni Captain Julienne ang buhok niya kaya bumalik ang tingin niya dito. Bumaling ito ng tingin kay Hana. “You have proven yourself tough on the field too Ricaforte. What do you say? Want to join the team?”
Nakita niya na kumunot ang noo ng bestfriend niya. “No thanks. As agreed hindi ko natalo si Ate so I’m not qualified but my bestfriend did. Mag t try out na lang ako sa chess.”
Tumawa si Captain Julienne. “If ever na mag bago ang isip mo. Pwede ka pa rin naming sumali Ricaforte.”
Umiling lang ang bestfriend niya. “No thanks. I am a woman of honror.”
Natawa na lang silang dalawa ni Captain.
Na register na siya ni Captain Julienne, pero hindi pa din lumalabas mula sa pag shower si Iya. Bago sila umalis doon matapos mag paalam sa team captain, ay hinabol niya pa ng tingin ang c.r na pinasukan nito. Nalulungkot siya sa ginawa nito. Yet she understands that Iya and her grew apart. Magkaibang tao na sila. At hindi niya na nga siguro ito masyadong kilala.
She was trying to shake the thoughts of Iya and how she felt like she was rejected. Pero hindi talaga mawala sa sistema niya. Ayaw ba siya nitong makasama sa iisang team?
“Sana balang araw maging team mates tayo.”
Isang gabi na bilog na bilog ang buwan ay nag usap sila. Kakatapos lang nila mag laro ng badminton. Hapon na sila natapos at inantay na lang na lumabas ang buwan.
Ngumiti siya dito. “Pag dumating ang araw na yun. You have to welcome me with an open arm.”
Tumatawang hinampas nito ang braso niya. “Loka.”
Mapait na napangiti siya ng maalala iyon. 2nd year highschool na siya noon at ito naman ay 3rd year.
She shook her head. Hindi na dapat niya iyon binabalikan. She focused her attention to her bestfriend.
Nakita niya ang pag daan ng lungkot sa kanan nitong mata. Kaya naman ngumiti na siya at inakbayan ito. “Samahan kita sa chess try out?”
Tumango ito pero hindi na nag salita pa. Nag lakad sila papunta sa kwarto ng mga chess matches. She looked behind her. Baka kasi makasalubong na naman nila si De Leon o yung mga minions nito. Nakahinga lang siya ng maluwag ng wala siyang nakitang anino nito.
Nag try out nga ito sa chess. Kagaya ng ginawa nito para sa kanya ay hinintay niya ito sa pag tatapos ng laro. Ilang oras din niya itong inantay doon. Kaya naman to get her mind off Iya ay nag laro na lang siya sa phone niya. Mayamaya pa ay lumabas na ng kwarto ang kaibigan niya.
Nakita niya ang lungkot sa mukha nito ng lumabas sa kwarto na may matches para sa chess try out.
“Natalo ka ba Han?” Napakamot siya sa ulo niya. “Inantay kita ng ilang oras tapos papatalo ka lang.” Bigla siyang naguilty ng lalo itong nalungkot. Tumikhim siya. “Ok lang yan may ibang sports pa naman.”
Pero nabigla siya ng bigla na lang itong ngumiti. “Baliw ka na ba bestfriend?”
Tumawa ito lalo. “Hindi best. Natalo ko yung representative nila! Chess player na din ako!”
Tuwang tuwa na nag yakap sila. “Congrats!”
Pag ka uwi sa bahay ay agad siyang pumasok sa kwarto niya. Hinalikan niya lang sa pisngi ang matandang kasambahay na nakita niya sa kusina.
Sa sobrang tuwa niya sa pag kapanalo niya ay hindi din naman siya agad nakatulog. First time niya kasing Manalo kay Iya. Dati kapag nag lalaban sila ay lagi siya nitong natatalo. But now she must have really improved her craft after that day na di na ito ang ka match niya. Nakalimutan niya na din tuloy mag halfbath. She was staring at the ceiling of her room when she felt her eyes got heavy. Hating gabi na ng dalawin siya ng antok.
She was in that familiar place again. Maliwanag. Maraming kumikislap na ilaw. Hindi lang sa tama ng liwanag ng buwan at repleksiyon ng ginto sa paligid. Maging sa mga alitap tap na nasa paligid nila iyon nanggagaling.
“Hahanapin kita sa susunod na buhay. Naniniwala ako na ihahatid ka sakin ng pagmamahalan natin Tala.” Malabo ang mukha ng babaeng nag sabi nun.
Nanubig ang kanyang mga mata. Ayaw niyang malayo sa babaeng mahal niya ngunit hindi siya mapapanatag hangga’t buhay pa ang taong nag hahangad sa kanyang mahal.
Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi. “Hahanapin din kita sa susunod na buhay mahal ko.” Dahan dahan niyang inilapit ang mukha dito. Gusto niyang halikan ang mapupulang labi nito sa huling pagkakataon. Ramdam niya ang lungkot at pagmamahal ni Tala para sa babaeng kaharap.
“Mahal na mahal kita…...Tala” iyon ang sinabi nito matapos ilayo ang mukha sa kanya.
Masuyo siyang ngumiti dito. Saka niya pinunasan ang luhang nag lalandas sa mga pisngi nito. “Magiging maayos din ang lahat mahal ko. Wag kang luluha hindi bagay sa iyong pagiging mandirigma ang mga luhang ito.”
Tumango ito saka siya nginitian.
Nauna na itong tumungo sa maliwanag na bahaging iyon ng pasilyo. Kitang kita niya ang pang digmaan nitong kasuotan. Kumikinang sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Lumingon ito sa kanya sa huling sandali. Saka ito nag laho sa kanyang paningin tungo sa liwanag na iyon.
Nakita niya ang diwatang nag aantay sa kanila sa harap ng liwanag na iyon. Ngumiti ito. Lahat ng mga mata sa katawan, braso at sa mismong mukha nito ay tila nag liwanag din. Hawak nito ang isang hugis bilog na ginto na kasing laki ng kamao.
“Magiging maayos din ang lahat Tala.” Ngumiti si Dalikmata sa kanya.
“Alam ko.” Isang payapang ngiti ang ibinigay niya dito. “Salamat sa lahat ng tulong Dalik.”
Deritso siyang nag tungo sa liwanag. Kahit ano mang anyo, o kahit ano mang katawan ang kanyang mapuntahan sa susunod na buhay. Palagi siyang babalik. Babalik sa babaeng mahal na mahal niya.
Andy woke up gasping. She squinted her eyes. Maliwanag na sa labas ng bintana niya. Ang panaginip naman na iyon ang gumising sa kanya. She doesn’t know if it is a nightmare or a sweet dream for her.
Dahan dahan siyang tumayo sa higaan niya. She was so excited sa pagka panalo niya laban kay Iya. Kaya hindi siya agad nakatulog kagabi. But that dream it still hunts her pero iba iyon sa lahat ng mga panaginip niya. She felt so calm inside that dream, like she can do anything. She felt the bravery of Tala, it feels like she was that person yet at the same time she wasn’t. Parang may kulang. She sighed.