“Listen up guys.” Team Captain Julienne gathered the second year players in the gym again. Umaga sila nito pinapunta bago mag alas siyete ng umaga. Yung ibang ka team nila ay umaangal na dahil nga sa malamig sa umaga na iyon pero sanay na din kasi siya. “You will be pairing with the first years. We are doing the round robin elimination for partners. Alam niyo na ‘to. Tradition na to ng womens badminton team. Kung sinong first years ang makatalo sa inyo sa round robin yun ang magiging partners niyo.”
Nakarinig siya ng reklamo sa mga ka team niya. “Cap, eh may magagaling na first years ngayon pero siguradong si Iya na naman ang magiging champion. Mag s singles na naman ba siya?”
Humagikgik ang kaibigan sa tabi niya. “You are always singles in the upcoming intercollegiate matches. Maliban kay Cap. Ang lupit mo talaga Iya Baby.” Itinaas baba nito ang kilay sa kanya. “But I think Andy cutie will beat you. You and her will be partnered. Yun ay kung matalo niya ang ibang second year players natin.”
Tumaas ang kaliwang kilay niya. She doesn’t like hearing the prediction of that fortune from her bestfriend too. “Tatalunin ko na siya ngayon.”
Napamaang ito. “Seryoso ka?”
Hindi siya kumibo at nakinig na lang sa sinasabi ng captain nila sa unahan.
“Ay s**t seryoso nga! Patay ka Cutie Andy.”
Natawa na lang siya sa kaibigan. “Shut up na diyan My, makinig ka sa sinasabi ni Cap.”
Sumunod naman ito sa kanya pero inirapan pa din siya.
“So guys. Goodluck and practice your swings and techniques. Chiao!”
Pagkatapos mag salita ng Team Captain nila ay agad itong umalis sa gym na parang walang nangyari. Sukbit sukbit nito ang lalagyanan nito ng racket pati na ang bag nito. Natatawa na lang din siya minsan sa ka kwelahan ng Team Captain nila. Parehas na parehas ito at si Myra. Magkasundong magkasundo din.
She practices her techniques with Myra. Nag papalitan sila ng bato ng shuttle c**k. Pero lagi siyang nananalo dito kahit na mag rematch ito.
“Haist! Kailan kaya kita matatalo?” Humihingal na tumabi sa kanya sa bleachers si Myra. “Ang lupit pa rin ng mga smashes mo. Pero sa tingin ko Andy knows how to beat your smashes. Try mo kaya ng different approach sa gameplay mo? Try a softer shot. Yung aabot lang lagpas ng kaunti sa white tape?”
Nanlaki ang mga mata niya. Saka ito nilingon. She cupped Myra’s face. “Akalain mo yun My. Isa ka palang genius!”
Hindi niya kasi naisip na ibahin ang style niya sa pag lalaro dahil effective naman ang smashes niya sa kalaban. But she knows that she has to do a lot of maturity para maging magaling na badminton player.
Ngumisi naman ang kaibigan niya. “I know. Ako pa. Pero teka paki tanggal na yung kamay mo sa mukha ko Iya Baby. Naiipit ang taba ko sa pisngi.”
Agad niyang binitawan ang mukha nito. Hinatak niya na ito patayo.
“Wait lang! Di pa ako nakakapag pahinga!”
“Ikaw ang magiging practice dummy ko My. Kaya tayo na diyan.”
Myra groaned. “Dapat hindi ko na lang ibinukas itong bibig ko. Pahamak kasi ang daldal mo.” Tinapik nito ang sariling bibig.
Tawang tawa na hinila niya ito sa gitna ng court. They had practice what Myra suggested to her. But this time she mixed her smashes with softer shots, o yung tinatawag na drop shot. Effective iyon dahil hindi mahabol habol ni Myra ang points niya. Hindi kagaya nung una na halos dikit ang puntos nila.
Pagkatapos ng practice nila ay latang lata na naupo sa bleacher ang kaibigan niya. Nag pa lipas muna sila ng ilang minuto para magpahinga. Pagkalipas ng halos 30 minutes ay inaya niya itong mag shower pero sumenyas lang ito sa kanya. Mukhang hingal na hingal pa din ito. Napangiti siya saka pumasok sa isang shower cubicle.
“Have you seen how that first year Andrea Villanueva beat Iya?”
Natigilan siya sa pag sabon sa katawan. Nag uusap ang iba niyang ka team habang nasa shower.
“Yes. But I think swerte lang yung bata na yun. You saw how distracted Iya was. Isa pa sa bansot nun baka nga matalo din agad yun sa intercollegiate match.”
Nagtawanan pa ang mga ito.
“I bet matatalo ko yun. Kung hindi ko matatalo yun siguradong swerte na naman yun.”
“Sinabi mo pa.”
She gritted her teeth. Andy is a worthy opponent. Kung alam lang ng mga ito. Pero bakit nga ba siya naiinis para dito. Baka nga dapat isipin niya ding ganun nga ang nangyari. Para hindi na din mag katotoo ang hula sa kanya. Tinapos niya na ang shower niya. Tsaka inis na inabangan ang dalawang babae na nasa loob ng shower cubicles kanina. Hindi niya din kasi kayang tiisin na wala siyang gagawin sa mga ito.
Tinitigan niya muna ng masama ang dalawang ka team bago umalis mula sa pag kakasandal niya sa gilid ng c.r.
“Ano problema nun?” Kiana asked Jilian na nag kibit balikat lang.
Inaya niya na si Myra sa susunod nilang klase. May klase pa kasi sila sa criminal systems. Lumipas ang buong maghapon. Yet she wasn’t really paying attention.
Bakit ba siya nag aalala kay Andy? Napailing siya. Siguradong kaya na nito ang sarili nito. Kaya naman Ng concentrate na lang siya sa klase. Pagkatapos ng klase nila ay agad din silang pumunta ni Myra sa gym. Pero napahinto din siya dahil wala pala sa kanya ang racket niya. Ugali niya na kasing hawakan iyon kapag papalapit na sila sa gym.
“Mauna ka na muna My. Susunod na lang ako. Nakalimutan ko yung racket ko.”
Napakamot sa ulo niya si Myra. “First time ata na naiwan mo yung racket mo Iya Baby. Eh halos itabi mo na yun sa pag tulog mo.”
Natatawang tinulak niya ito ng bahagya. “Sige na una ka na muna.”
Ngumisi ito ng pilya. “I bet asawa mo na yung racket mo. Siguro may pangalan yun.” Tumawa pa ito. “Rocky, rock hard Balboa.”
“Pinag sasabi mo diyan Myra Santos? Baka ikaw ang nag papangalan sa racket mo?”
Tumawa ito. “Una na ako puro ka kalokohan Iya baby.”
Naiiling na tinalikuran na lang niya ito. Ang green ng utak ng kaibigan niya. Basta talaga maisingit lang yung kabastusan eh.
Nakarating din agad siya sa classroom. Nag mamadali niyang kinuha ang racket niya. Pero natigilan siya ng makita yung dalawang ka team niya na nag uusap tungkol sa kanya at kay Andy. Tila may inaabangan ang mga ito.
Curious na lumapit siya sa mga ito.
“Sure ka bang dito dadaan si bansot?”
“Yes. Galing yun ng criminology subject. Kaklase yun ng little brother ko.”
Nakaramdam siya ng iba sa ginagawa ng dalawang ito kaya naman lumapit na siya. “Ano ginagawa niyo ditong dalawa? Kiana? Jilian?”
Nakita niya ang takot at panic sa mga mata ng dalawa. “W-Wala naman Iya.”
Naningkit ang mga mata niya. “Mag sisimula na ang round robin. Kung di kayo makakahabol. Malalagot tayong tatlo kay Cap.”
Nag sitakbuhan ang dalawa dala dala ang racket ng mga ito.
She heard a chuckle. Kaya naman napalingon siya sa deriksiyon na inaabangan ng dalawa kanina.
Andy stood there. Smiling. “Monster in the field and also outside of it.”