Bumangon na si Andy sa higaan niya. This is the day for the partnered matches. Kaya naman dapat hindi niya na iniisip pa ang panaginip kanina. Huminga siya ng malaim. Nag bilang siya hanggang sampo hanggang sa feeling niya ay ok na ang pakiramdam niya. She has to smile.
‘Andy this is what you want. Kakayanin mo ulit mag laro ng badminton.’
Pumasok siya ng banyo at naligo.
“Good morning Nay!” Yun agad ang bati niya dito pagkalabas ng kwarto matapos niyang mag bihis.
Nanlaki ang mata ng matanda sa kanya ngunit ngumiti din ito. “Mukhang maganda ang gising ng alaga ko ah?”
“Yes Nay!” Hinalikan niya ito sa pisngi. “Ito ang araw para sa partnered matches ng badminton. Finally, Makakapag laro ulit ako.”
Ngumiti ulit ito saka itinabi ang walis at dust pan sa gilid ng lababo ng dirty kitchen nila. “Kung ganun Andy. Sabihin mo sa Dad mo. Kakauwi niya lang galing sa ibang bansa. Dumeritso na siya agad dito.”
Bigla siyang natigilan. Andito ang Dad niya? Akala niya sa susunod pang buwan ito makakauwi. Sa tuwing tinatanong niya kung makakauwi ito ng nakaraan ay hindi nito masabi. Laging extended ang meeting nito sa mga dayuhang investors.
Nag mamadali siyang pumunta sa lamesa nila. There he was, her dad. Medyo tumaba ito ng kaunti ng huli niya itong makita. He was sporting a beard too.
“Dad!” Tuwang tuwa na niyakap niya ito. “Kagabi lang po ba kayo nakauwi? Bakit di niyo ako ginising?”
Tumawa ang ama niya. “You are sleeping so soundly. Ayaw kong istorbuhin ka anak.” Tinapik tapik pa nito ang likod niya.
“You should have! May ibabalita ako sayo dad.”
Lumingon siya sa matandang katulong. Ngumiti ito at tumango.
“Part na ako ng badminton varsity.”
Sa sinabi niya ay tila bumagsak ang mukha ng dad niya. Ngumiti ito ng tipid. Saka ginulo ang buhok niya. “M-Maganda yan Andy.”
Na disappoint siya sa nakita sa mga mata nito. Tila ayaw naman siyang sumali ng ama sa badminton. And everytime na titingnan siya dati ng dad niya. Lagi ding dumadaan ang lungkot sa mga mata nito. Marahil naaalala nito sa kanya ang kanyang ina. Pati na ang pag sali niya sa badminton. Sumasagi siguro sa isip ng ama ang mga bagay na nakakapag paalala dito, noong buhay pa ang kanyang ina. Kaya nga hindi siya nag laro sa loob ng isang taon dahil ni rerespeto niya ang kalungkutan na nararamdaman nito noon.
“T-Thanks Dad.” Iniwas niya ang tingin dito. “K-Kain na po tayo.”
Ngumiti na ulit ito. Pero alam niyang napansin nito ang pag tamlay niya but she doesn’t want her father to worry kaya pinasigla niya na ang sarili.
Umupo silang tatlo sa lamesa at nag simula na ding kumain. Sa tagal ng panahon na hindi niya nakita ang ama ay marami siyang na i-kwento dito na pinapakinggan naman nito.
“Uy bestfriend ano ulam niyo? Gutom na ako------“Napahinto ang kaibigan niya sa pag sasalita ng makita ang ama niya. Tila biglang umurong ang dila nito at nahiyang pumasok sa dining area. “Mr. Villanueva. Pwede po bang makikain?”
Natawa silang lahat dito.
“Basta talaga pagkain di ka mag papapigil ano?” pinigilan niyang matawa sa tila na eskandalo nitong itsura.
“Halika ka Hana. Kumain ka na din para maihatid na kayo ni Manong Fred.” Naka ngiting alok ng Dad niya dito.
Tuwang tuwa naman itong nakikain. She rolled her eyes at her bestfriend. Dinilaan lang siya nito.
Pagkatapos nilang kumain ay inihatid din naman sila ng driver sa school. Kahit halos abutin lang ng 30 mintues kapag gumamit ng bisekleta ay hindi siya pinapayagan ng ama. Ayaw siguro nitong mangyari ang kidnapping sa kanilang tatlo noon. Hana was also given a bicycle, pero hindi nito iyon ginagamit. Tamad ang kaibigan niya mag pedal.
-------------------------------------------
“Ngayon ang try out para sa magiging partners sa intercollegiate di ba bestfriend?”
Hindi niya ito nilingon. “Yup. Masasamahan mo ba ako?” baka kasi mahuli sila ng teacher na nag uusap.
Nakatingin pa rin sa kanya ang kaibigan. Mukhang oblivious ito na malapit na din silang mabato ng erase ng teacher. “Hindi eh. Sorry. May practice matches din kasi ako. Pero hahabol ako kapag tapos na ako bestfriend.”
Ngumiti lang siya dito. Buti na lang at hindi naman napuno ang teacher nila sa kanilang dalawa. Tumigil na din naman kasi sila sa pa simpleng pakikipag kwentuhan.
Pagkatapos ng klase nila ay nag paalam na siya sa kaibigan. Tumango lang ito ng sinabi niyang pupunta siya sa gym. Iba ang dadaanan niya dahil nga sa mas malapit ang classroom ng huli nilang subject sa pupuntahan niya. Lumingon muna siya sa likod niya. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi makakita ng anino ng mga bully niya
Sukbit niya sa kaliwang balikat ang racket niya. Pero saglit siyang napahinto ng makita ang dalawang babaeng ka team nina Iya. Nakaramdam siya ng hindi maganda kaya inantay niya kung sino ang inaantay ng mga ito. Nag tago na lang muna siya sa gilid ng pader ng building.
“Sure ka bang dito dadaan si bansot?”
Napakunot noo siya. Sa lahat ng ka team ng mga ito wala naman siyang napansin na bansot. Maliban na lang kung sa mga rookie ang tinutukoy ng mga ito. At isa siya sa mga bansot na rookie. Pinag pawisan siya bigla. Dumagundong sa kaba ang puso niya.
“Yes. Galing yun ng criminologist subject. Kaklase yun ng little brother ko.” sagot naman ng isa dito.
Kilala niya ang isa sa mga ito. Minsan na din kasing nag punta sa klase nila para ibigay ang nakalimutan ni Jairo Ferrer.
Humakbang na siya para umalis sa lugar na iyon. Sa ibang daan na lang siya dadaan papunta sa gym. Pero napahinto siya ng may marinig na sumita sa mga ito.
“Ano ginagawa niyo ditong dalawa? Kiana? Jilian?” Isa iyong pamilyar na boses.
Nakita niya ang takot at panic sa mga mata ng dalawa. “W-Wala naman Iya.”
Naningkit ang mga mata nito. “Mag sisimula na ang round robin. Kung di kayo makakahabol. Malalagot tayong tatlo kay Cap.” Kitang kita niya mula sa pwesto niya ang pag lubog ng biloy nito sa kanang pisngi.
Napangiti siya. Sa sungit nito at taray di talaga makakapalag kahit sino. “Monster in the field and also outside of it.”
Saglit itong natulala sa kanya pero pag kuwan ay inirapan siya nito. “Sumabay ka na sa akin para di na tayo mahuli sa partnered match.”