“So ganito yan. Kung sino ang una sa number ng mag partner siya ang nakablindfold.” Nag labas ng tatlong itim na panyo ang captain nila. Napairap si Iya. Ibig sabihin siya ang nakablindfold sa kanilang dalawa ni Andy? Isa isang ibinigay ng Captain nila kina Andy, Myra at Coach Thompson ang blindfold. Saka nito tinuruan ang tatlo kung paano aayusin ang panyo na hindi makakasilip ang nakablindfold. Nauna na nga sa pagpunta sa Gazebo sina Myra at Misha. Muntik na siyang humagalpak ng tawa dahil nag aasaran pa ang dalawa. Mukhang hirap na hirap si Misha na mag lakad dahil hindi din marunong mag guide ang kaibigan niya. “Ok. We will follow them after 30 minutes.” Tumingin si Captain sa relo nito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng team Captain nila. Bumaling siya di