Napaisip si Andy sa sinabi sa kanya ni Iya. Nung nakaraang linggo lang napanaginipan niya din si Dalik. Humihingi ito ng tulong. Pero bakit sa kanilang mga mortal ito nanghihingi ng tulong? “I don’t know Iya. Bakit nga ba tayo ang hihingian niya ng tulong? Anong laban natin sa mga diwata?” Papasok na sila sa retreat house ng tanungin niya iyon dito. “Andy. The fact na lagi siyang nag papakita satin noon ay mapapatanong ka din kung bakit ikaw. Maybe…. there was an explanation to all of this. Kausapin ulit natin si Nay Selma kapag nakabalik tayo sa bayan.” Napilitan siyang tumango dito. Pero sa tingin niya ay wala din silang magagawa sa taong kumidnap sa babaeng diwata. Tumagilid ang ulo ni Iya. “But I clearly saw Sid there. What was he doing there? He extended his hands