Iya can’t help but feel glad. Ilang linggo na siyang hindi na nanaginip. She was in a good mode all through out the week. Madami na din siyang nagawang practice ng solo matches kasama si Myra. At ngayon nga ay papunta silang anim sa isang boot camp para sa badminton. Para sa pag hahanda sa darating na intercollegiate match. “Magiging ok ka lang ba dun?” Milo asked her. Kasama niya itong nag aabang sa labas ng bahay nila para sumakay sa bus na mag hahatid sa kanila sa isang retreat house. Napatingin siya sa gwapong mukha nito. Pero naiilang siya sa klase ng titig na binibigay nito sa kanya. Matiim ang mga iyon. Napaiwas siya ng tingin dito. “Yes. Andun naman ang mga kaibigan ko.” “Nag aalala lang ako maraming kaso ng kidnapping ngayon.” Bakit ba ang tagal naman a