She felt her phone vibrated. Nasa loob na sila ng klase at kasalukuyang nag l-lecture ang prof nila. Binuksan niya ang message na galing kay Milo. ‘Sabay ako sa inyo mag lunch?’ Tumingin siya sa kaibigan. Ipinakita niya ang message sa kanya ng binata. “Gusto ni Milo sumabay satin kumain. Ok lang ba?” Umangat ang kilay ni Myra sa sinabi niya. “Ang bilis niyan ha?” Tumawa siya. “Sira ka talaga My.” Ibinalik nito ang tingin sa sinusulat na lectures sa harap. “Ikaw bahala. Manliligaw mo naman yan. Mas maigi. Makikilatis ko yang lalake na yan.” Napailing siya sa kaibigan. Masyado itong protective. “Hindi pa naman niya sinasabing manliligaw siya.” “Ganun na din yun.” Myra scribbled again while listening to the prof. “Wala pa siyang pormal na sinasabi pero ang mga lal