Iya felt like she was here before. Napalingon siya sa paligid. Halos ulap lang ang nakikita niya.. Mayamaya pa nakarinig siya ng hagikgikan. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit papunta siya sa deriksiyon ng mga tawanan na yun. Nakarating siya sa isang bulwagan na napakalaki, ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng pansin niya. May tatlong bata na nakikipag habulan sa isang binatang lalake. Ang amo ng mukha ng lalakeng ito. Mabini itong tumatawa habang hinahabol ng tatlong bata. Lumapit pa siya upang makita ang mga mukha ng mga ito. Habang papalapit siya ng papalapit ay tila nagiging pamilyar sa kanya ang mukha ng tatlong bata, na sa tantiya niya ay mga anim at limang taong gulang lang. She was shocked when she saw herself, or rather the younger version of herself, her sister and