Smitten by You

1234 Words
NATE  Pagkapasok ko pa lamang sa inakala kong kubo, tumambad sa akin ang animo’y diwata sa aking paningin. Nakatapis lamang ang dalaga ng tuwalya. Pakiramdam ko’y sinibulan ako ng pag-ibig sa unang pagkakataon.Ibang-iba iyon sa pakiramdam sa huling babaeng aking inirog. Hindi ko sinasadyang mahawakan ang malalagong dibdib ng dalaga sa harap ko. Gustong - gusto kong busalan ng mga kamay ko ang bibig nito. No! Erase that, gusto kong busalan ng labi ko ang bibig nitong may natural na perpektong mapupulang labi. I know for sure tatahimik ito.No one refuses to my indulgence. I am Nathaniel Alvidrez, an expert on the act of seduction— a certified womanizer! Konting-konti na lang mababasag na ang eardrums ko. Nakakarindi na ang tili nito. Baka sa pagbalik ko sa Manila ay isa na akong bingi. “Aaaahhhhh! Lolaaaa! May mang-boboso dito sa banyooo!” sigaw nito sa napakatinis na tili.   “I am not a pervert! Hindi-ako-mangboboso! I-am-not-peeping-on- you! Mas lalong hindi kita pagsasamantalahan. Hindi ka kagandahan, miss,” taliwas sa aking paghanga rito. Hindi iyon totoo dahil napakaganda ng dalaga.“Bakit ba kasi ganito ang banyo ninyo? Isa pa, isara mo kasi ‘yang pintuan. Iniwan mong nakabukas!”  “Kasalanan ko pa ngayon na bigla kang pumasok sa banyo?” tanong nito sa akin na umarko ang kilay.   Bagkus na pumangit sa paningkin ko habang galit ito ay pawang mas gumanda pa yata dahil sa kapanpansing pamumula ng kaniyang pisngi. “Oo. Your fault! I thought it was an empty house. I need a place to crash for the night. It’s storming. I can’t go back to my hotel.”  “Aaahhhh turista ka?Mga dayuhan talaga kung umasta. Tabi ka! Daraan ako. Bathala, ba’t mayroon na namang anak mayamang naligaw sa sitio namin?” usal nito. ‘Yong tono niya ay para bang sumpa ang isang tulad ko na mapadpad sa Batanes.  “Hindi ako turista at hindi rin ako dayuhan. Madalas ako rito. I am here for a businesss trip. Natapos ng maaga ang conference meeting ko. I mean convention meeting ko kaya naisipan kong mag- jogging at mamasyal kaso inabutan ako ng ulan,” paliwanag ko.  Hindi ko maintindihan kung bakit ko ba kailangan ipaliwanag ang sarili ko sa dalagang kaharap ko. I feel the need of telling her otherwise. “May bagyo ho amang. Hindi ka ba nakikinig sa balita? Tumabi ka riyan. Nakaharang ka sa daraanan ko.Bakit ba kasi basta-basta mo na lamang itinulak ang pintuan? Hindi ka ba marunong kumatok man lang?” Sumanib ang kapilyohan sa akin kaya naman napag-tripan ko itong lalong inisin. Ang pag-arko ng kilay nito at bawat pagbuka ng bibig ay sobrang nakakahalinang tingnan ang kaniyang mga pouted lips. Katulad ko may deep dimples rin siya ngunit nag-iisa lamang sa kaniyang kanang pisngi.  "Malay ko bang banyo n’yo ang kubong ito? Why does your shower room look like a shack?”  “Nasa liblib na lupalop ho kayo ng Pilipinas, amang. Batanes ho ito at hindi Maynila. Malamang barong-barong pati ang banyo.”  “I mean . . . “Mag-tagalog ka, amang. Wala ka sa Amerika. Ingles ka nang Ingles.” Inirapan ako ng dalaga sabay tulak sa akin.  “Tabi!”  Saksakan ito ng katarayan. Ni hindi man lang tinamaan sa mapupungay kong mga mata. First time yata sa tanang buhay ko ang hindi magkandarapa sa akin ang babae. Unang kita ko pa lang ay ginamit ko na ang aking mapang-akit na mata. Kaso waley! Wa-epek. Deadma.  “Armi, apo. Ano bang sinisigaw mo riyan?”   Tanong ng babaeng matanda na dumangaw sa maliit na bintana ng barong-barong na gawa sa sawali at nipa. Nginitian ako nito at matiim na tiningnan. Kapagdaka’y kumunot ang noo nito na pawang nagtataka.  “May mang-bobosong dayuhan ho lola rito sa banyo.”  “I wasn’t peeping on you,” pang-angal ko,” I said I got lost. I thought that the shower room is an empty shack. That’s why I went in.” “Hindi mo sinabing naliligaw ka! Ang sabi mo lang inabutan ka ng ulan. Alin ang totoo? Naliligaw ka o inabutan ka ng ulan? . . . o mangboboso ka talaga at nagpapalusot ka lamang?”  “Do I look like mapagsamantala? Miss, look at me? Do I look like one?” pag-susungit ko.  Sa guwapo kong ito? Mangboboso? Humanda kang babae ka, hindi matatapos ang gabing ito na hindi ka nagiging akin. Patatahimikin ko ‘yang matabil mong dila. Let’s see kung makasisigaw ka pa. I am Nathaniel Alvidrez at wala ni isang babae na tumatanggi sa akin. Ikaw pa lang yata ang una . . . miss. You, ignoring me is freakin’ hitting my ego!  ARMINA “Oo, mukha kang mapagsamantala! Kapareho mo ‘yong bida doon sa kalachuchi . . .si-si A-Aga Muhlach sa pelikulang ‘Sa Aking Mga Kamay’ maamo, mabait, guwapo subalit mamatay tao,” sigaw ko rito. “Aga Muhlach? The heartthrob actor in the Philippines Cinema of all times?”  “Oo, pero kulang ka sa isang daang —isang daang libong paligo.”  “So, that means you find me good-looking? Attractive?” “Kupal ka! Ang kapal ng mukha mo. GGSS ka rin noh? Kayo talagang mga taga-syudad akala ninyo sa aming mga taga probinsiya magkakadarampa sa inyo porket guw— gaspang ng ugali mo!  Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko. Bigla na lang kasi ako nitong kinindatan ng mapupungay nitong kulay abong mga mata. Mata pa lang letse! Ang puso ko kumakabog na. Armina maghunos dili ka! Pati katawan ko parang gustong-gustong dumikit sa kaniya. Ngunit hindi ako magpapadala sa karakas ng mga binatang dayuhang taga Maynila. Mga manloloko sila katulad ng aking ama.  “GGSS?” makulit nitong tanong at sumunod pa sa akin. “GGSS lang ‘di mo alam? Guwapong-guwapo sa sarili.” “Ahh!GGSS ka rin naman,” mahinang usal nito pero rinig na rinig ko.  “Ano?” hiyaw ko rito. “Gandang-ganda sa sarili,” wika nito sa malumanay at marahang tono ng boses.  Inirapan ko lamang ito, pinandilatan at pinagikot ang aking mata sabay arko ng aking mga kilay at pinagdikit ang aking mga labi.  Pumasok na ako sa kusina ng barong-barong namin ni Lola Pacita. Sa likod bahay ang banyo at palikuran namin ni Lola Pacing. Ang pintuan sa kusina ang tanging pinakamalapit na lagusan papasok sa bahay mula sa banyo at palikuran.  Gawa sa sawali ang dingding ng kubo namin at kawayan naman ang sahig. Dahon ng nipa ang bubong. Kaya sa tuwing umuulan sa labas ay umuulan na rin sa loob ng bahay. Siste ay may bagyo pa kaya babagyohin rin sa loob ng bahay namin.   Mabuti na lamang at nakalipat na kami sa mas mataas na lugar hindi tulad noon na ang barong-barong namin ay nasa may dalampasigan. Wala iyong sahig kundi ang buhangin lamang. Mayroon lang kaming isang maliit na papag na gawa sa kawayan nila Lola Pacing at Lolo Isko.   Makailang ulit ng dinaloy ng malahiganteng alon ang aming kubo kaya nag-pasya si lola na lumipat sa paanan ng burol ng Sitio Maasim.  Hindi maiwan-iwan ni Lola Pacita ang lugar na ito dahil sa alaala ni Lolo Isko. Ilang taon na ang nakalilipas bigla na lamang naglaho ang lolo ko matapos itong mag-palaot upang mangisda.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD