NATE
Binabayo ng sobrang lakas na hangin at malalaking butil ng tubig sa labas ng kubo. Malamig na malamig ang hapon pawang pumasok ako sa loob ng freezer. Mas malamig pa sa natural na malamig na klimang kinasanayan ko sa California at New York. Nanoot sa balat ko ang simoy ng hangin. Siste! Wala akong jacket. Bakit ko ba kasi naisipang iwanan ang windbreaker jacket ko sa hotel room? I always wear one sa tuwing mag-jogging ako.
Nanginginig na ako sa lamig. Mag-iisang oras na rin akong nakababad sa tubig ulan. Kung kailan ba kasi kailangan ko ang driver ay siya naman nitong pagpatay ng telepono niya. Kanina pa unattended ang cellphone ni Norman ang driver at personal assistant ko.
“Ay! Sino ka? Kaguwapo mo naman, apo. Pasok ka sa munting bahay ko. Manliligaw ka ba o nobyo nitong si Armina ko?” pag-uusisa ng matandang babae sa akin.
“Magandang hapon po sa inyo. Hindi po ako nanliligaw o nobyo ng pinaglihi sa sama ng loob niyong apo,” Tiningnan ko nang masama ang dalaga sa banyo kanina, I winked my eye on her at ngumisi ako ng nakakaloko.
”Pero papasa naman siyang maging nobya ko,” usal ko sa hangin na halos ako na lamang ang nakarinig.
"Alam ko na sa pagngiti ko sa kaniya ay sisilay ang dalawang malalim na biloy ko sa pisngi malapit sa tig-kabilang dulo ng mga labi ko at tiyak hindi na nito mapagkakaila ang paghanga sa akin. I know when girls like me or pretending not to like me. And this girl, I know for sure, she’s just pretending. Give me until midnight or maybe a day. I know for sure. You’ll be mine in no time.
“Pasensiya na po at naligaw ako sa bahay ninyo. Ito lang po kasi ang nakita kong barong-barong. Nag-lakadlakad po ako kanina sa may dalampasigan hanggang sa umulan at hindi ko na alam kung saan na ba ako napadpad.”
“Nasa Sitio Maasim ka, apo.”
“Maasim? As in sour? What kind of place is this?”
“Hindi ka maiintindihan ng lola ko kaya mag-Tagalog ka. Kayo talagang mga turista. Nakikipasyal na nga lang kayo. Manlalait pa.”
“Hindi kita pinalaking bastos, Armina. Madali ka’t magbihis. Anong tinatanga mo riyan? Nakatapis ka lamang. Kalkalin mo sa baul ang damit ng lolo mo. Iyong may manggas.Nang makabihis itong si—“
“Ano nga bang pangalan mo, iho?”
Armina pala ang pangalan mo? Tatawagin kitang Ara sa oras na mahulog ka sa aking mga ngiti. Bagay na bagay ang pangalan mo sa ‘yo. You are so hot and foxy! Malamig ngunit pinag-iinit mo ang katawan ko. I have seen so many naked women but yours is beyond perfection. Ang sarap lamukusin ang malalago mong bundok kanina. Ngunit hindi naman ako bastos. Aminado naman akong masungit at antipatiko. But, I am gentleman. Really. Hindi mo pa lang ako kilala.
Hindi ko napansin may tinatanong pala ang lola ng dalaga.
“Ano po?”
“Anong pangalan mo, apo? ’Wag mo namang titigan ng ganyan ang apo ko. Eh,baka matunaw hindi pa siya nakapagluluto ng hapunan,” pabirong turan ng matandang babae.
Masyado kang obvious, Nate. Ilang buwan na nga bang tumigil na ako sa pakikipag-fling ng dahil sa trabaho? I won’t deny it. She wakes up my senses. Hindi ko pa man nahihimas ang mga balat niya ay dalang-dala na ako sa pagtitig pa lang sa dalaga.
My father often sends me to conference meetings, conventions, out-of-town business deals, kaya nawalan na ako ng oras tumambay sa mga pub at bars sa kahabaan ng Malate at Makati.
“Nathaniel Rosales po. Nate na lang po ang itawag ninyo sa akin,” pagsisinungaling ko.
Hindi ko maaring sabihin ang totoo kong pagkatao sa mga taong una ko pa lamang nakikilala. She will be just one of a hundred na ikakama ko at iiwan makatapos kong pagsasawaan. Besides hindi siya matatanggap ng mata pobre kong tatay.
I was looking intensely on Armina ngunit inismiran ako nito. Pumasok siya sa munting kuwarto na natatabingan lamang ng bulaklaking kurtina. Kitang-kita ko sa likod ng kurtina ang anino ni Armina habang tinatanggal ang tapis na tuwalya sa katawan.
Hindi ko mawari kung bakit ako attracted sa kaniya sa unang kita ko pa lamang sa banyo kanina. Ngunit hindi man lang ito magpakita ng pagkagusto o paghanga sa akin.
Galit ako sa mga babae dahil sa pag-iwan ng mommy ko sa amin ni daddy. Kinamumunghian ko ang mga kababaehan. Para sa akin ang mga babae ay laruan lamang. Use them, and when I’m done playing, I will either put my toy aside, reserve them or throw them away.
Mabilis pa ako sa isang segundo kung magpalit ng ka-fling. Maliban sa isang babae seneryoso binigay ko ang lahat sa kaniya, binihisan ginawang prinsesa ngunit nagawa akong ipagpalit sa pangarap niya at ngayon ay siyang kinasusuklaman ko.
Armina might just be like her. Kaya gustohin man kita Armina. I’m sorry, but you will just be a toy that I will trash after I’m done with you. Bumalik ako sa ulirat ng magtanong ulit ang matanda. Hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa pagmasid kay Armina sa likod ng manipis na kurtina.
“Iho,taga-saan ka ba’t napadpad ka rito?”
“Taga-Manila po.”
“Aba’y malayo pala ang pinanggalingan mo.”
“Hindi naman ho. Makakabalik rin sana ako sa Manila ngayon kaso hindi ko makontak ang driver ko. Sa lakas ho ng hangin ay hindi ko na rin mapapalipad pa ang chopper na dala ko.
“Chopper? Ano ‘yon?”
“Helicopter po.”
“Ah! Eh, ba’t ‘di to ka sa amin napadpad, iho? Ito na ang pinakadulong sitio dito sa Batanes,” tanong ng matanda sa akin.
“Na-naligaw ho ako, al-lola—”
“Lola Pacita o Lola Pacing ang itawag mo sa akin apo.”
“Lola Pacing,” inulit ko ang pangalan niya at tumango-tango.
“Matagal na ho kaya rito?”
“Aba’y dito na ako nagkauban,” wika ni Lola Pacing na tumatawa.
Napanganga naman ako sa tinuran ng matanda. Palabiro pala ito at hindi naman istrikto. Akala ko lang na parang mangkukulam ito sa itsura ng mahabang puting buhok na abot hanggang balakang, kulubot ang mukha at maiitim ang ngipin. Marahil humihithit ito ng tabako o nganga.
“Matagal na ho pala kayo rito. Eh, ‘yong apo n’yo pong ipinaglihi sa suka at ampalaya. Dito rin ho ba siya lumaki?”
“Hindi ako pinaglihi suka at ampalaya!” sigaw sa akin ni Armina.
Walang pakundanagan pasalampak na itinapon niya sa akin ang dala nitong isang paris ng damit at tuwalya.
“Salamat,” wika ko, sabay kindat sa kaniya.
“Maligo ka na! Magkasakit ka pa kargo de konsensya ka pa namin ni lola.”