I-Google Mo

1433 Words
NATE              Nakita ko na naglalakad na palapit sa kinaroroonan namin ni Lola Pacing si Armina. Sinadyang kong asarin ito. Tuwang-tuwa akong nakikitang nang gagalaiti siya sa inis. Mas gusto ko ang ganito medyo challenging. Hindi pala medyo. Challenging!  “Eh, ‘yong apo n’yo pong pinaglihi sa suka at ampalaya. Dito ho ba siya lumaki?”          “Hindi ako pinaglihi suka at ampalaya!” sigaw sa akin ni Armina.  Ang hilig niya talagang sumigaw. Mala mega-phone ang boses nito. Malamang sa malamang uuwi ako sa Maynila na kinakailangan ko na ang hearing aid. Hindi ko naman inaasahan ang walang pakundanagan pasalampak na itinapon niya sa akin ang dala niyang isang paris ng damit at tuwalya. “Salamat,” wika ko, sabay kindat sa kaniya. My killer wink and my deep dimples. ‘Ilang oras pa at mahuhulog ka rin sa akin. Bibigay ka rin Ara.’ “Maligo ka na! Magkasakit ka pa. Kargo de konsensya ka pa namin ni lola.” Hindi ko naman initindi ang sinabi niya at nagpatuloy ako sa pakikipagkuwentohan kay lola. Na-curious ako kaya’t ‘di ko na napigilang magtanong. Pumasok itong muli sa kuwarto na may tabing na kurtina. Sana ay hindi napaghahalatang interesado ako kay Armina. Sa ganda ng kutis ng balat ng apo ni Lola Pacita ay pawang hindi naman ito lumaki rito sa Batanes. Ang kinis-kinis nito at toned ang katawan. Sa hugis pa lamang ng katawan nito, she looked like a woman who does a daily workout. ‘Yong mga babaeng adik sa gym. “Oo, apo. Ulilang lubos ng ang apo kong ‘yan. Ulila pala sa ina. Hindi na bumalik pa rito ang ama niya matapos buntisin ang anak kong si Arabella.” “Paano ho ba nakarating rito ang ama ni Armina?” takang tanong ko kay Lola Pacing. Unang tingin ko pa lamang kay Armina ay mukha naman itong hindi taga-probinsiya. Mas maganda pa nga ito sa mga babaeng nakilala ko at naikama ko na. “Katulad mo napadpad rin lang rito ang ama ni Mina. Nagtagal ng isang buwan rito sa amin. Hindi ko naman alam na gumagawa na pala sila ng milagro ng anak ko.” “Siguro ho kasing ganda ng apo n’yo ang anak mo. Ilang taon po ‘yong anak ninyo nang may mapadpad na manliligaw rito?” Komportableng tanong at paguusisa ko sa matanda. Game na game naman itong sagotin ang bawat tanong ko. “Disiseis lamang ang anak ko noon. Inaaswang pala ng walang hiyang damuhong si Romulo Sandoval. Hindi na bumalik pa rito ang hinayupak na ‘yon.” “Ano pong nangyari sa anak ninyo?” “Mangyari’y sakitin ang anak ko. Wala naman kaming ospital na maayos dito sa Batanes. Hindi ko naman kayang ipagamot ang anak ko sa Maynila. Namatay sa panganganak ang anak ko hindi kinaya ng puso niya. May sakit sa puso ang anak ko kaya’t ng umibig sa dayuhang ‘yon ay hinayaan ko na lamang. Napakabait ni Romulo. Akala ko dahil laki sa siyudad ay hindi marunong  manligaw kagaya ng dito sa probinsiya. Nagpaalam siya naakyat ng ligaw sa anak ko. Pinayagan naman ni Isko. Nagsisibak ng kahoy. Nagiigib ng tubig. Pumapalaot kasama si Isko. Nagtitinda pa nga ng isda sa palengke kasama ni Ara ko. Kaya hindi na ako tumutol pa sa pag-iibigan nila. Hindi ko naman inasahang manloloko pala. Naisipan ko siguro’y dahil mayaman ay ginawa lamang parausan ng libog ang anak ko. Hindi rin siguro alam ni Romulo nag-ka anak sila ni Arabella dahil umalis na ito at bumalik sa Maynila bago ko pa man nalamang nagdadalantao na ang aking si Ara.” “Sinubukan ninyo ho bang hanapin ‘yong Romulo?” “Ay! Hindi na apo. Masaya naman si Armina na kami lamang ng lolo niya ang kasa-kasama niya sa buhay. Ni minsan ay hindi niya nabanggit o nagtanong kung sino ang tatay niya. Kami na ang nagpalaki kay Armina. Sa palagay ko naman higit sa sapat ang pagmamahal at pagaaruga na pinatamasa namin sa kaniya.” “Mukha naman pong hindi kulang sa pagmamahal. Nasobrahan lang po sa kasungitan,” biro ko sa matanda.  “Mabait ‘yang si Armina. Sa tingin ko may pagtingin ka sa apo ko. Matanda na ako at alam ko na ang mga galawan n’yong mga kabataan ngayon. Sa mata mo pa lamang ay nababasa ko na ang saloobin mo.” Nangilabot ako sa sinabi ni Lola Pacita. Mind reader? Mangkululam nga siguro at nalaman ang saloobin ko. Hindi ako nakakibo hanggang nagsalita itong muli. “Nakikita ko ang pagnanasa mo sa apo ko. Kitang-kita ko riyan sa mga mata mo at sa kilos ng iyong katawan. Nasa edad na kayo. Alam ninyo na ang tama sa hindi. Pinaaalalahanan lang kita, iho.”  “Maganda ho ang apo ninyo at kaakit-akit. Sinungaling ho ako kung sasabihin kong hindi ko siya nagustohan sa unang tingin pa lamang,” pag-amin ko kay Lola Pacita. Alam kong nakikinig si Armina at ang mga linyang binitiwan ko ay tiyak magpapakilig rito.  "Nate, sinasabi ko sayo. Paalalala lang apo kung gagapangin mo ang aking si Armina at ika’y balak mag-deposito. Eh, ‘wag mo namang iwan katulad ng ama niya. Alam ko na ang karakas ninyong mga taga-siyudad. Mabait ako apo ngunit ‘wag mong sasaktan ang apo ko. Kukulamin kita,” lintanya ng matanda habang nakangiti.   Open-minded si Lola Pacita hindi tulad sa ibang matatanda na masyadong makaluma pagdating sa relasyon. Pero kulam? May mga witch's pa nga ba sa modern world? Nangilabot ako sa ‘kukulamin kita.” “Lola Pacita tinatakot ninyo naman po ako sa kulam-kulam na yan. Masalimoot ho pala ang buhay ng apo ninyo kaya saksakan ng kaasiman at kapaitan ang ugali.” “Mabait ‘yan si Armina ko. Ganyan talaga ‘yan masusungit sa mga kalalakihan maliban kay Rone.” Hindi ko inasahan bakit sa pagbanggit ni Lola Pacita sa Rone na iyon ay may kakaiba akong kirot naramdaman. I can’t deny it. Gusto ko si Armina. Hindi lang dahil nakakaakit ang alindog niya. Kundi kakaiba siya sa mga babaeng nakikilala ko. Hindi siya bumigay agad sa akin. And this woman I know is for keeps. Pero pasensya na siya dahil isa ka na naman sa aking magiging biktima Armina.  “Sino ho si Rone at nasaan po ang asawa ninyo?” “Nagiisang kaibigan ng apo ko si Rone,”paliwang ni Lola Pacing.  Nyeta! May karibal ako agad? Hindi pa man ako nakakadiga kay Armina may iba na pala.  “‘Yong asawa ninyo ho?” “Si Isko ko? Sana’y dumating ang araw ng bumalik siya o kung nasaan man ay buhay pa. Mangyari eh bigla na lamang naglaho ang asawa ko kaya kami na lamang ni Armin nakatira rito sa pinakaliblib ng Sitio Maasim.” “Eh, ikaw apo? Ba’t ka nagawi sa lugar namin?”  “May pagpupulong po akong dinaluhan kaninang umaga, Lola Pacing. Maaga pong natapos kaya naisipan kong maglakad-lakad sa dalampasigan. Kaso umulan po ng malakas at iyong barongbarong ang aking nasilayan na maari kong masilungan. Hindi ko naman ho alam palikuran. Akala ko ho ay abandonadong kubo iyong banyo. Hindi ko po sinasadyang mabusohan ang apo ninyo.” Lumabas si Armina na nakasuot na ng mahabang palda at tshirt na may manggas. Bakat pa rin sa damit nito ang malalagong bundok nito at matambok na puwetan. I want to — Goddammit! Suckle ‘em and squeeze,knead ‘em hard. “Eh,’di umamin ka rin. Mangboboso ka!”  “Hindi ko nga sinasadya.” “Sinadya mo!” sigaw nitong muli.  “Malay ko bang naliligo ka at nakatapis ka lang. Alangan ipikit ko ang mata ko o tumalikod sayo habang kausap mo.”  “Oo! Tumalikod ka sana o pinikit mo ‘yang mga mata mo. Hindi ‘yong nakatitig ka sa dibdib at mga binti ko. Hindi ka pa nakontento sa tingin. Hinipo mo pa talaga. Bastos ka!” “I did not intentionally touch your—” hindi ko mawari kung ano nga ba itatawag ko sa bundok ng dalaga. —”next time wear something more decent. Maybe a bathrobe. Don’t just wrap yourself in a towel!” “Hindi ko afford ang roba. At isa pa kami lang naman ang nakatira ni Lola Pacing sa lugar na ito. Ang karamihan sa mga taga-sitio Maasim ay nasa barrio site relocation na ng Sitio Maalat nakatira.” “Bakit puro yata panlasa ang pangalan ng Sitio rito?”  "Aba! Malay ko. Itanong mo kay google. May smartphone ka naman yata. Mukha ka namang yayamamin. Eh, ‘di. I-google mo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD