NATE Tila tinatanong ko at hinuhusgahan ko ang aking sarili matapos kong bigkasin ang mga salitang iyon. "When you are caught up into something you can't escape. You need to make choices and you can only choose one. I have no other choice but to forget about her and be with my family," Engineer Sandoval explained. "Sana matanggap kayo ni Armina kapag nalaman niya ang inyong tunay na dahilan." "I hope she would. What about Nanay Pacing?" "Buhay pa si Lola Pacing subalit hanggang ngayon nawawala pa rin ang kaniyang asawa." "What happened to Tatay Isko?" Nakita ko iyong sinseredad sa kaniya at tila malalim nga ang pinagsamahan ni Engineer Sandoval sa mga Ferrera. "He went fishing pero hindi na nakabalik pa." "Walang balita kahit sa karatig probinsya?" "That I'm about to find out.