Bahay Kubo

1786 Words

ARMINA Nagulumihanan ako sa kuwento ni Aling Aaliyah habang naghihintay kami sa paglipad ng eroplano papuntang Maynila. "Ang kuwento ng kapatid ko ay nahagip ako ng sasakyan habang naglalakad sa tabing kalsada. Tumilapon raw ang katawan ko. I was diagnosed brain dead. Unresponsive raw ako subalit tumitibok pa ang aking puso at normal ang pulso ko. Dinala ako ng kapatid ko sa Singapore upang ipagamot. Doon niya nagtagpuan ang magagaling na neurosurgeon. Matapos ay matagal kaming naninirahan sa Australia." Masalimoot pala ang kaniyang pinagdaanan. Mahigit dalawampung taon na siyang walang maalala. Masuwerte pa rin siya dahil nakaligtas siya sa bingit ng kamatayan at nagising pa. Kung nakaligtas si Aling Aaliyah sa aksidente. 'Maari kayang buhay pa si Lolo Isko at wala rin lang maalala?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD