NATE “May gusto ka ba sa apo ko, hijo?” Biglang tanong ni Lola Pacing that caught me off guard. Anong bang isasagot ko? Oo, I like your granddaughter. Ngunit hindi ako nararapat sa busilak na puso ni Armina. Isa akong gago. Pilitin ko man maging matino para kay Ara ngunit hindi ako iyon. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong gusto ko siya dahil tinamaan na yata ako ng pana ni kupido. But it’s a lie! Gusto ko siya dahil hindi ko mapigil ang sarili ko na matikman siya. Damhin at painitin ang bawat parte ng katawan niya. Pagsilakhubin ang damdamin niya. Matapos ay iiwan ko rin lang katulad sa mga nauna. Iyon lang iyon at hindi pagmamahal na malamang ay aasamin ni Lola Pacing para sa apo niya. Nagtaka naman ako sa tanong nito. Marahil ay nakita kami sa kusina kanina o ‘di kaya’y sa bany