ARMINA Nakakainis man ang kagaspangan at kapreskoyan ng ugali ni Nate. Napakahalina namang pakinggan ang wagas nitong paghalakhak. Iyong tunay na tuwa kaysa nagpapanggap lamang. “Kapal mo! Hindi ah! Buksan mo ang pinto. May dala akong mainit na tubig.” “Sabi ko na nga ba. Hindi mo ako matitiis, Ara.” Hawak-hawak ko ang takure na lamang kumukulong mainit na tubig. Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto hantad ang hubo’t hubad na katawan ni Nate. Napasigaw ako sa gulat. “Ay! Malignong may mahabang talong!” Mabuti na lamang ay wala kaming kapitbahay at may kahinaan na rin ang pandinig ni Lola Pacing. “Haha, talong? Seriously? Maligno ako para sayo? You are referring to an eggplant, right?” Tawang-tawa ito sa ‘mahabang talong.”’coz it kinda looks. . .” Pinandilatan ko ito ng mata pa