ARMINA Kusang nagpaubaya ang katawan ko kay Nate. Nakakainis siya ngunit hindi ko naman magawang balewalain. ‘Naku Armina! Ano bang blackboard pinagsasabi ko? Mark? Markahan? Ibig sabihin angkinin niya ako. Iyon ba ‘yon?’ bulong ko sa sarili habang nagsasalita siya na habol ang hininga.’Magpapadilig ng bulaklak? Makukulam ako ni Lola Pacing! Naku po! Pigil Armina pigil. Pigilan mo ang sarili mong ‘wag bumigay. “You-are-mine, Ara,” aniya saka hinagkan ako nito sa labi. Para akong isang laruan na maaring angkinin ano mang oras. Dangan dapat ako’y nakipagmatigasan pero ni hindi man lang ako nang laban. Hinayaan ko itong halikan ako sa labi hanggang sa aking leeg. Nakakahumaling ang dampi ng labi nito kaya hahayaan kong damhin. Unang pagkakataon akong pagnasahan. Isang matipunong dayuhan.