ARMINA Iwinawag nito ang kumot. Matapos ay iginiya ang akong mahiga sa tabi niya. Nakaunan ako sa makikisig niyang braso. Kinumutan nito kaming pareho. Niyakap ako at hinila ng mas malapit sa kaniya,” body heat can make humans survive in an icy freezing weather,” usal nito. “Sino nag sabi sayong tabi tayo matutulog?” tanong ko rito. Sumilay ang pilyong nginiti nito. Ayan na naman ang biloy nitong nakakaakit. “Si Lola Pacing,” sagot nito sa akin.”Saan naman ako matutulog, Ara?” “Diyan sa papag.” “Sa sahig? No way! Hindi ako matutulog sa sahig. Pulmonyahin pa ako sa lamig. Butas-butas kaya ang sahig ninyo. That’s made of bamboo floor. I can’t sleep there,” angal nito. “Ang arte mo, Nate. Nakikipisan ka hindi ka bisita.” “I’m Lola Pacing guest. Inimbitahan niya ako tumira rito. So, I