ARMINA Hindi ako nito pinakinggan bagkus ay tinulongan ako ni Nate na ligpitin ang mesa. Maghuhugas na sana ito ng kubyertos ngunit pinigilan ko. Isang timbang tubig ang sinayang nito kanina sa paghuhugas lamang ng tatlong pirasong sibuyas. Ilang araw pa bago humupa ang bagyo. Kung may tubig man sa batis. Hindi iyon magiging ligtas inumin dahil sa pagbaha. Mag-iisang oras na ng makaalis sina Lola Pacing at Tyrone. Inutusan kong muli si Nate na isara ang mga bintana at pintuan. Wala kaming kuryente ngayon. Kaya tanging gasera at kandila ang nagsisilbing liwanag sa kubo. “Nate, naisara mo na ba ang mga bintana at pintuan?” tanong ko rito. Narinig ko naman ang yabag n’ya. Gawa sa kawayan ang sahig ng kubo kaya lumalagitnit kapag naglalakad. Matapos kong maghugas ng kubyertos hindi ko na