May sindi pa rin ang gasera na nakasabit malapit sa pintuan ng aking silid. Iyon ang nagbibigay liwanang sa aming paligid. Matapos kong makabihis tinalikuran ko na siya at nagtungo na ako sa kusina. Ngayon ko lang naalala ang pinagsasabi ko kay Nate. ‘Ang rupok-rupok mo, Armina!’ Pagalit na turan ko sa aking sarili. Nag-init ako ng tubig para sa kapeng barako. Napakalamig nang panahon kaya bumalik ako sa aking kuwarto upang kumuha ng balabal. Nakahilata si Nate sa katre na walang pang-itaas na damit. Ilang minuto pa lamang ang nakalipas, nakatulog na ito agad. ’Wala ka naman ginawa kanina Armina kundi puro ungol. Malamang pinagod mo.’ Wala naman talaga akong ginawa. Dahil hindi ko naman alam ang dapat gawin.Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Sanay ba talaga siya