ARMINA We are adults. Nasa tamang edad na nga kami. Alam na namin ang tama sa mali. Maaring mag desisyon na hindi kumukonsulta sa nakatatanda. Ngunit hindi sa aming probinsiya at mas lalong hindi sa akin. Iginagalang at nirerespeto ko kung anumang maging desisyon ni Lola Pacing. Siya na lamang ang natitirang magulang ko. Hindi ko naman kilala ang aking ama. Malamang sa haba ng panahon. Hindi n’ya siguro alam na may isang Armina na nabuo sila ng nanay kong si Arabella. “Hindi dito sa probinsya namin, Nate. Kailangan mong umakyat ng ligaw at mamanhikan,” paliwanag ko sa kaniya. “Kailangan pa talaga ‘yan?” kunot noong sagot nito sa akin. Tila nagiisip sa kung anong dapat n’yang gawin. “Oo, naman.” Matapos ay nagtanong itong muli. “What’s pamamanhikan?