"Bitawan mo ako!" Kumawala si Kirsten mula sa pagakakayakap sa kaniya ni Sean. Kung sana noon ito ginagawa sa kaniya ni Sean siguro'y nahimatay pa siya sa kilig. Pero iba na ngayon, eh. Iba na dahil iba na ang gusto niyang maging prince charming. Iba na, hindi tulad nito na nakilala lang niya sa bilang sindikato noon at pinagtabuyan siya. "I'm sorry. I really am. Hindi ko agad sa 'yo ipinakita na puwede mo akong maging prince charming kasi may dahilan ako." Mangiyak-ngiyak ang binata. "Hindi ko puwede sabihin o ipakita ang totoong ako sa lugar na 'yon." "Sabing bitawan mo ako! Wala akong pake!" pero pagmamatigas niya. Sa pagpupumiglas niya ay hindi niya namalayan na umaahon sa kaniyang bulsa sa likuran ng kaniyang pantalon ang nakasuksok doon na cellphone niya. At marahas na itinulak si