"Kuya, ihing-ihi na ako!" reklamo ng isang estudyante sa tatlong nakabarong na lalaki na nakaharang sa pintuan ng male CR ng University. "Ako rin, Kuya! Mag-i-start na ang klase ko! Paihiin mo na ako!" pakiusap din ng isa pang lalaking estudyante. At marami pang iba ang nag-aabang na payagan na silang mag-CR pero nakaharang pa rin ang tatlong bodyguard ni Sean sa pinto ng CR. Nakataas ang noo nina Gani, Romeo at Teddy habang nakahalukipkip na nakatayo roon. Ang magpupumilit na makapasok sa CR ay parang mga papel lang nilang itinutulak dahil sa malalaki nilang mga katawan. Maangas ang kanilang hitsura kahit na ang totoo ay init na init na sila sa mga barong na suot nila. Hindi ba naman kasi nila maintindihan sa bosing nila at bakit dito sa CR napiling i-date si babaeng luka-luka. Tsk! "