Ngumisi sa kaniya si Sean. Namilog naman ang mga mata ni Kirsten. Palapit na palapit sa kaniya ang binata. Lagot na talaga! "H-huwag kang lalapit!" Iniharang niya ang isang kamay niya sa pagitan nila ni Sean nang halos gadangkal na lang ang pagitan nilang dalawa. Tumigil naman ang binata. He put his hands in his pocket saka nakakalokong ngumiti ito sa kaniya. Well, ang hot ng mokong ngayon, ah. Ang sarap anuhin. Habang ang mga estudyante, kasama na sina Erik at Crisma ay takang-taka na pinapanood silang dalawa. "Sino siya?" siko na tanong ni Crisma sa nobyong si Erik. Erik shrugged his shoulders. “I do not know her. I just saw her now," at sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa babaeng nilapitan ng Kuya Sean nito. Namutla ang mukha ni Kirsten. Kahit gusto niyang alisin ang tingin