"Nakita niyo na siya?" pasimpleng tanong ng nakatuxedong si Sean sa mga naka-barong niyang tatlong tauhan at ngayon ay mga naka-shades pa. Pormang-porma ang tatlo habang pinapasadahan ng tingin ang mga naglalapitang mga estudyante. "Wala pa, bossing," sagot ni Gani na inayos ang itim na shades. Pango kasi kaya nahuhulog ang shades sa ilong nito. "Where the hell are you?! Come on! You need to see me now!" sa loob-loob niya na nag-uumpisa nang mainip. Ang init kaya ng tuxedong suot niya. Hindi siya sanay! Hell! He crossed his arms over his chest and leaned his back against his Aston Martin Rapide, one of the ten most expensive luxury sedans in the world. At Binili lang niya kanina lang, in cash, may maipagyabang lang kay babaeng luka-luka. Aba'y dapat lang na makita ng babaeng iyon na sak