"Seryoso, insan? Wala ka talagang balak maglakwatsa ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ni Joy. Niyayaya nito si Kirsten na dumalo sa isang party pero first time na tumanggi ang pinsan. Kahit pa sinabi nitong ililibre rin nito ito ng pamasahe. Dati-dati naman kapag tungkol sa galaan ay game na game si Kirsten dahil sa paniniwala nitong baka bigla na lang nitong makikita o makikilala ang magiging first boyfriend nito o ang sinasabi nitong prince charming nito sa pupuntahan nila. "Wala nga. Ikaw na lang mag-isa," matabang na sagot ni Kirsten, but she was dead serious. Mahigpit ulit niyang niyakap ang malaki at malambot niyang unan. "Bakit naman?" Umupo si Joy sa gilid ng kama at nakabusangot ang mukhang inagaw ang unan na yakap niya. "Ayoko nang maglakwatsa o um-attend ng party-party na