"Oy, gising na kayo!" Kalampag ni Aling Corazon sa pinto ng silid ng anak na panganay. Tanghali na pero tulog pa rin kasi sina Joy at Kirsten. Nasobrahan ng inom ang magpinsan kagabi. Mga bangag kagabi. Nagulat na lang si Aling Corazon nang i-check nito ang anak sa silid dahil puro suka ang nabungaran nito sa silid. Masakit ang ulong pinilit bumangon si Kirsten. Nagulat siya konti sa nakitang hitsura ng kuwarto niya. Parang dinaanan ng tsunami. "Bumangon ka r'yan! Maglinis ka!" Galit na pumanaywang ang nanay niya sa harap niya. "Hindi ko sinabing mag-inom kayo kagabi, ah!" "Opo," kamot-ulong sumagot siya saka nakapikit na kinalabit niya ang natutulog pa ring si Joy. Subalit umungol lang ang pinsan at tinuloy ulit ang pagtulog. "Ayusin mo 'tong silid mo!" huling bilin ni Aling Corazon b