"Yumakap ka sa tiyan ko," utos sa kaniya ni Sean. "Ayoko nga!" tanggi niya na inirapan ang likod ng binata. Sa balikat ni Sean siya humawak. Hitsura na para bang diring-diri siya sa balikat ng binata gayong ang bango-bango ni Sean. Actually, ang sarap nitong yakapin dahil ang lapad ng likod nito. Halatang alaga sa work out. Yummy! Pero dahil hindi sila bati ay manigas siya! "Sige bahala ka kung mahuhulog ka, ah?" Pagkasabi niyon ay pinaharurot na nga ni Sean ang motor. "Waaaaahhhhhhhhhhhh!!" hiyaw ni Kirsten. Pakiramdam niya ay nilipad ng hangin ang kaniyang kaluluwa. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang yumakap sa manipis na tiyan ni Sean, kaysa naman mahulog siya. Sean cheeky grinned. His back felt the soft body of Kirsten kaya lalo pa ntong pinaspasan ang pagmamaneho. Halos tumagilid