Takang-taka si Kirsten. Paano'y super-duper bilis na naka-enroll siya. Hindi siya makapaniwala dahil kung itrato siya ay daig pa niya ang VIP o artista. Inuna talaga siya sa pila. Nainis nga sa kaniya ang mga ibang studyante, pero napakibit-balikat na lang siya. At least, hindi na siya nahirapan. Napapalabi na lang siyang lumabas sa university. Tanong niya sa kaniyang isipan ay anyare kaya? Tinawagan niya si Joy. "Nasaan ka na?" "Papunta pa lang sa pupuntahan ko? Kumusta ka riyan?" tugon ni Joy sa kabilang linya. "Palabas na ako. Tapos na akong mag-enroll, eh," aniya na humahakbang palabas sa unibersidad. "Weh? Ang bilis mo naman?" "Hindi ko nga alam kung ano’ng nangyari, eh." Lumingon siya at pinasadahan niya ng tingin ang naglalakihang building ng Amerson University. "Para ngang ma