"Sigurado ka? Kaya mong mag-isang mag-enroll?" paniniguro ni Joy bago siya iwanan. Biglaang may lakad daw kasi ang pinsan kaya hindi siya nito masasamahan sa pag-e-enroll. Inihatid lang siya nito. Tumango si Kirsten. Animo’y nawalan na siya ng tinig dahil para na siyang na-starstruck sa mga gusali ng eskwelahang papasukan niya sa pagkokolehiyo. "Ang ganda naman ng school na 'to?" aniya sa sarili na humahanga. Literal na nakanganga siya habang tinitingala niya ang mga building ng school. Nasa gitna silang magpinsan sa malawak na school ground ng Amerson University. At nalulula siyang talaga. Ni hindi niya alam kung saan unang titingin, kung sa mga building ba o sa mga studyanteng mga nakauniporme. Ngayon palang ay excited na siya. Sa wakas college na siya! Ayiee! "Kung gano'n maiwan na