Tuwang-tuwa si Kirsten na makita si Sean, pero kabaliktaran ang ipinakita niyang facial expression dahil tinaasan niya ito ng noo at hinalukipkipan. Kahit ang totoo pa nga'y gustong-gusto na niya itong takbuhin at yakapin, pigil na pigil lamang niya ang kaniyang sarili. Kita niyang napakunot-noo ang binata at may kinuha ito sa bulsa. Cellphone pala. Mayamaya ay nag-ring na ang kaniyang cellphone. Tinatawagan siya ni Sean kahit hindi naman malayo ang pagitan nilang distansya. "Bakit parang byernes santo ang mukha mo?" tanong ng binata nang alanganin ay sagutin pa rin niya ang tawag. "Namatay 'yung kapitbahay namin!" pilosopo niyang sagot sabay pindot sa end button ng kaniyang cellphone. Pero teka? Paano nakuha ni Sean ang number niya? Sa pagtataka ay siya naman ang tumawag sa binata. "