Samantala sa kaniyang paglalakbay may batang tumawag sa kaniya. "Papa!" Tawag sa kaniya ng isang batang kung hindi siya nagkakamali ay nasa limang taon pa lamang ito. "Ako ba, iho?" maang niyang tanong dahil wala naman siyang anak ngunit may tumatawag sa kaniya ng Papa. "Uwi na tayo, Papa, naghihintay si Mama." Humawak pa ang malungkot na bata sa kaniyang paa kaya't hindi siya makagalaw ng maayos. "Ahm, bata, hindi kita kilala pero halika na at ihahatid kita sa inyo. Natatandaan mo ba ang daan pabalik sa inyo?" tanong niyang muli dahil naaawa siya sa hitsura nito. Bukod sa napakalungkot nito ay mukhang gutom na gutom. Ah! Malilintikan ang mga magulang nito sa kaniya. Child abuse na ang kaso nila. Bakit nila nagawang pabayaan ang batang pagala-gala sa ganoong edad. Ihahatid niya ito at