"Diyos ko, ano ba itong nangyayari sa kanilang mag-asawa?" hindi tuloy maiwasang tanong ni Aling Leona habang nakatingala sa taas. "Huwag, asawa ko. Huwag mong sabihin iyan. Alam kong masakit pero sa pag-aakala mo ba ay natutuwa SIYA sa panahong ito na tinatanong mo kung ano ang nangyayari sa kanilang mag-asawa? Asawa ko, let's ask HIS guidance to them para malampasan nila ang pagsubok na ito. Huwag ang tanungin SIYA." Sawat ni General Santiago sa asawa dahil sa tinuran nito. "Pasensiya ka na, asawa ko, pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Mabait at maprinsipiyo namang tao si Zack ganoon din ang asawa niya. Bakit sila pa ang nakakaranas ng ganito kalupit na kapalaran?" patanong na tugon ng Ginang. "Pagsubok iyan, asawa ko, sa buhay nilang mag-asawa. Walang may kagustuhan na nawala ang