"I'm so sorry, Janellah Pearl---" Hindi na natapos ng binata ang paulit-ulit na paghingi ng tawad sa nobya niya dahil lumipad na siya sa ere. "Tarantado kang hayop ka, Zack! Sa dinami-dami ng puwedi mong dalihin, bakit ang kambal ko pa hayop ka!" Sinalubong ito ng dalaga at muling binigwasan. Ngunit mas nagagalit siya dahil hindi man lang ito lumalaban. Parehas naman silang mga alagad ng batas subalit hindi ito gumaganti kahit anong suntok at sipa ang pinapakawalan niya. "I know, babe, it's my fault but please listen to my expla---" Blag! Kung ilang beses na hindi pinatapos ni Janellah ang nobyo sa pananalita ay ganoon din sa paglipad nitong walang pakpak. Hinayaan lamang din ito ng binata na saktan siya physically dahil aminado naman siyang malaking kasalanan ang ginawa niya. Wala r