HINDI magawang paniwalaan ni Mark Keir, ang dating batang si Blake. Ang inaalagaan pa niya sa tuwing wala silang missyon. Ngayon ay nasa harapan niya at halos kasing tangkad niya. Ang hindi inaasahan ng malaman na kakambal ito ng kaniyang manugang. “Uncle Terrence, ikaw po ba talaga yan?” Naluluha si Blake, habang nakatitig sa itinuturing na tiyuhin. Hindi niya makakalimutan kung ilang beses siya niyong niligtas noon sa mga taong nais siyang kidnapin. “Yeah, it’s me, kumusta ka na?” Hindi sumagot si Blake malaki ang hakbang na lumapit dito at mahigpit na yumakap. “Akala ko talaga namatay ka na, yon ang sabi ni Uncle Gemini.” “Ipinapatay nila ako, sa Bansang France, mabuti at may isang tao na nagdala sa akin sa harap ng mansyon D’Marcus. At ginamot ako ni Dra. Carissa Morgan Del Fuego-D