PAGDATING nila sa mansyon. Inutusan ni ML, ang mga tauhan na dalhin sa living room ang kakambal ng asawa niya. Ayaw ni ML, makita ng mga ito na naroon sa rehas at pansamantalang kinulong. Sigurado magdaramdam ang biyenan at asawa. Baka kung ano pa ang isipin sa kaniya na tinatrato niya itong kriminal. “Nasaan ba siya, Hijo?” “Naroon po sa basement, doon siya pansamantalang nag-stay. Hindi pa siya familiar dito at mas mabuti na makusap nyo muna siya. Kagaya ng sinabi mo papa, pagkapanganak sa kaniya inakala nyong namatay siya. Kaya mahirap paniwalaan na meron siyang tunay na pamilya. Isa pa hindi natin alam ang mga taong nag alaga sa kaniya. Kung ano ang dahilan bakit nila kinuha ang kakambal ng asawa noong baby pa sila.” “Tama ka, Hijo.” pagsang-ayon ng biyenan kay ML. Lumapit si Jacob