NAKATITIG lang si Roldan sa lalaking may hawak na baril. Dama niya ito ang kaniyang anak. Kanina ng makita ito kakaiba ang nararamdaman niya. “Tanda! Lumapit ka dito bilisan mo!” tawag kay Roldan ng isa pang lalaki. Nakatutok sa kaniya ang mga baril dalawa. Kaya agad na sumunod siya sa lahat ng inutos ng lalaki. At nang isang dipa na lang ang layo ay binaba niya ang bag na puno ng pera. Ganun din ang folder ipinatong niya sa ibabaw ng bag. Sa ‘di kalayuan ay nakatayo ang limang lalaki na puro de baril. “Tol Blake, buksan mo at i-check kung pera ang laman ng bag. At baka niloloko lang tayo ng matandang yan.” Lumapit ang matangkad na lalaki at habang palapit ito ay malakas ang pintig ng puso niya. Nang magyuko at simulan buksan ang bag. Hindi napigilan tawagin ito. “A-Anak ko…” agad din