NAKAHIGA na sila pero hindi pa rin mawala sa isipan ni Jacob ang nangyari. Sino kaya ang nasa likod ng pagtatangkang dukutin ang asawa niya? Sa pagkakaalam niya matagal ng tapos ang gulo ng pamilya Ortega at Red Dragon organisasyon. Sa katunayan na buwag na ang grupo na yon. Unless meron siyang hindi alam sa tunay na ama ng triplets. Dahil kung ang biyenan na si Daddy Mark Keir, nakakasiguro siyang wala ng gulo sa buhay ng mga ito. “Mahal ko, may tanong ako sayo.” “Anong gusto mong itanong? Sige at makikinig ako. Pag alam ko ang sagot ay sasagutin kita. Pero kapag hindi, kailangan mong tawagan si Mommy or daddy.” “Ang biological father mo o ang tunay mong ina bago siya namatay. Wala ba silang kaaway na maaring konektado sa nangyaring ito sayo?” “Wala akong alam, lalo na kay Daddy Ma