CHAPTER- 53

1907 Words

HINDI inaasahan ni Luther ang taong naghihintay sa kaniya. Kanina ng tawagin siya ng kapatid at sinabing may naghahanap na babae ay hindi agad siya naniwala. Sa halip ay nagpatuloy siya sa ginagawa. Marami siyang emails na kailangan i-reply. Mula iyon sa mga kumpanya ng kaniyang asawa. “Kuya Hades, bakit hindi ka pa rin bumababa baka mainip na ang taong naghihintay sayo.” “Sino ba at ano raw ang kailangan niya?” “Galing pa ng Pilipinas at sabi niya tungkol daw sa asawa mo…” “Bakit ngayon mo lang sinabi?” paninita niya sa kapatid. Bago mabilis na tumakbo palabas ng opisina niya at nagtungo sa malawak na living room. Malayo pa lang siya ay agad namukhaan ang babaeng salubong na rin ang kilay. Siguro kanina pa ito naiinip sa paghihintay sa kaniya. “Tanginamuka! Ano ba ang ginagawa mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD