NAKABALIK na si Cariza, sa dati bahay nila. Kung saan siya lumaki at nagkaisip. At hindi na naman niya napigilan makaramdam ng lungkot. Kapag naalala ang ama at kung paano siya minahal nito. Ang dating silid nito noong nabubuhay pa ay binuksan niya. Sapagkat magmula ng namatay ang papa niya nanatili iyon sarado. Ngayon ay nakapag desisyon siya na ipalinis. Nais niyang ipa-renovate ang silid na yon. Pati na ang katabi nitong kwarto ay pag iisahin niya. Dahil plano niyang gawin nursery room. Ilang buwan na lang ang hinihintay niya at malapit na siyang manganak. Kaya ang nais niya ay mapasimulan na agad ang renovation. Nang sa gayon makapamili na rin ng mga kailangan ng kaniyang magiging anak. “Ma’am Cariza, nariyan na ang mga taong pinatawag mo.” pagbibigay alam ni Micah. “Sige, bababa