PAGDATING sa Bansang Pilipinas, walang inaksayang oras si Mariz. Agad pinaimbestigahan si Donya Barbara, sampu ng mga tauhan nito. Kagaya ng pangako niya kay Adrian Damian, lahat ng magagaling na tauhan ay pinakilos din niya. Mahigpit din ang bilin sa mga iyon na huwag aalis hanggang hindi nakakausap ang namamahala ng lupain ni Mama Madelinne sa Baguio. At habang naghihintay ng resulta mula sa mga taong inutusan pansamantala nagtungo sila sa bahay nila Adrian Damian. Hanggang sa mga oras na yon wala pa rin alam ang binata at mama nito na sa kaniya galing ang bahay at lupa na kinatitirikan nito. “Bakit hindi mo papasukin ang mga boaryguard mo, Mariz?” Tanong ni Adrian Damian. “Hayaan mo na sila sa labas, mas mabuting nasa paligid lamang sila.” Pinag-iisipan ni Matiz kung sasabihin niya