NAKABALIK na sila ng maynila mula sa bahay bakasyunan na pinuntahan nila. At umuwi na rin si Venush, sa bahay nila. Wala ang ama pero may note ito na iniwan sa ibabaw ng table. Sinasabi nito na ngayon ang simula ng training bilang head maintenance department. Naging panatag ang loob niya ngayon na nasa ligtas na lugar ang ama. Wala na silang stocks kaya nagbihis lang ng jogging pants at boxer sando. Saka tinaas ang buhok at nagsuot ng sports shoe. Dinampot ang body bag at sinilip kung meron siyang face mask saka sumakay sa big bike niya. Pag labas niya ng maliit nilang gate agad niya iyong sinara. Ngunit sa ‘di kalayuan may sasakyan na mabagal ang takbo. Bago sa paningin niya iyon kaya hinintay niyang bumaba kung sino ang nasa loob ng sasakyan. At bigla na lang siyang kinabahan. Nang pagb