NARIRITO sila sa 7 star hotel in Paris, nakakalula ang ganda ng paligid. Grabe sa Billionaire’s movies lang niya nakikita ang mga ganito kaganda na kwarto. Lahat ng nakikita niya ay parang ayaw niyang lapatan ng kamay. Baka magasgasan o marumihan. Masasabi ni Venush, mahal talaga siya ng chairman. Kahit wala pa siyang idea pero nakakasiguro siyang sobrang mahal ng room na yon. Tapos dalawang linggo pa silang stay doon. Nang matuon ang mga mata niya sa malaking kama. Biglang lumitaw sa imahinasyon niya ang maaaring maganap sa ibabaw ng higaan na yon. Pumasok din sa isipan ang nangyari last time sa kanila ng asawa. At hindi mapigilan kabahan ni Venush, sa pwedeng gawin sa kaniya ng asawa. Ganun pa man naroon pa rin ang buong tiwala niya. Saka kung sakaling dadaanan na naman ito ng pagka s