WALA sa hinagap ni Mariz, na pinag tangkaan pala siyang kidnapin. Kundi pa sinabi sa kaniya ang kapatid na si ML. Dahil hanggang sa mga oras na yon wala pa rin ang alaala niya sa tatlong buwan na lumipas. Ayon pa sa kapatid si Mr. Ajay, ang nakakaalam ng lahat. At kaya tinulungan ng kapatid na makapasok sa Montemayor-Ortega Architecture firm, ang binata. Hindi lang dahil magaling itong architect, dahil na rin sa deal nilang dalawa. Pakikipagtulungan nito na mahanap ang mga taong may kagagawan. Ganun din sa pagtatangka na kidnapin at patayin si Mariz. Muling dumaan siya sa CT-Scan, at least mahigit ng tatlong buwan ang tiyan niya. Kaya hindi naman na siya nag-alala sa baby dahil wala naman daw problema. Sa result ay clear naman kaya nakakapagtaka na nawala ng tatlong buwan ang alaala niy