NAGBIGAY ng malaking tulong ang ama ni Mariz. Pasasalamat sa pamilya na kumupkop sa kaniya ng tatlong buwan. Inalok din nila na magtrabaho si Mr. Ajay sa kompanya nila. Sayang naman daw ang natapos nito bilang isang architect kong hindi magagamit. Doktor ang kaniyang mommy Carissa Morgan. Kaya hindi ito naniniwala sa mga albularyo. Ngunit ang pamilya Montemayor ay naniniwala baka may ibang nilalang na hindi tao ang nagkagusto kay Mariz. Kaya wala itong maalala sa mga nangyari. Samantala nagpaalam si ML, kailangan niyang nagtungo sa opisina. Na hindi naman niya dating ginagawa. Sapagkat nagpunta lang siya sa company kung may mahalagang meeting. Pero ang totoo magkikita sila ni Ajay. Pinapunta niya ito sa opisina at doon sila mag-uusap. Sinabi din niya na dalhin ang mga sample design nit