TINAWAGAN si Maurice, nang kakambal niyang si Mariz. Pumunta raw siya ng Paris, dahil kailangan siya nito. At kahit ayaw niya ay hindi naman magawang tumanggi. Kaya naghanda ng personal niyang gamit at kinagabihan din agad siyang lumipad. Kung anuman ang problema nito kailangan niyang damayan. Sa kanilang tatlo siya talaga ang nilalapitan ng mga kapatid. Ganun din si Marielle, pag may dinaramdam o sikreto na gustong i-share siya ang tinatawag. Samantalang siya ang maituturing na bunso sa kanilang tatlo. Dahil sa birth certificate nila siya ang pinakahuling nilabas sa tiyan ng ina. Pansamantala inalis sa isipan ang tungkol kay Jacob. Saka na muna niya ito haharapin lalo at may problema ito sa babaeng karelasyon nito. Kahit itanggi ng binata na hindi iyon ang nobya nito. Pero ramdam niya n